Martes, Pebrero 10, 2015

DISKURSO
    Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin,kaisipan o ideya sa kahit sinumang lahi ng tao sa mundo.Kung kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao.Nagmula ito sa Middle English na “discours” na mula sa Medival at Late Latin na “discursus” at “kumbersasyon.”Sa makalumang kahulugan nito,tumutukoy ito sa kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng isang tao.
       Ayon naman sa diksyonaryo ni Leo James English (2007) ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati.Marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay isang pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t-ibang paksa, pasulat man o pasalita .Dahil sa diskurso maraming nalaman ang tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa mga taong nakipagpalitan-tugon sa pamamagitanng pagsasalita sa kanilang mga kausap.


Pasalita at Pasulat na Diskurso
Pasalita at pasulat na diskurso – Sa unang malas, tila iisipin na magkaiba lamang sila sa anyo o pamamaraan ng pagsasagawa.  Maaaring tama ito dahil kapwa mahalaga sa dalawang anyo ng diskurso ang kakayahang pangwika at kakayahang komunikatibo.  Ngunit mapag-iiba ang dalawa sa kanilang mga kahingian.

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekstwal o abilidad na sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang abilidad na magamit ang wika para sa manipulasyon, imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya at maging sa pagtuturo.  Nangangahulugan ito na ang isang tao ay marunong kung kailan niya dapat sabihin ang isang bagay o ideya sa isang partikular na tao sa isang angkop na panahon, lugar at pamamaraan.

Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng wika.  Ibig sabihin ay mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat at may kakayahan siyang manipulahin ang wika upang makamit ang layunin ng diskurso.

Sa pasalitang diskurso, mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo.  Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang makamit ang layunin.

Sa pasulat na diskurso, mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito.  Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin  o format, uri ng papel at iba pa.Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat at mayroong eidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

Konteksto ng diskurso – nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa konteksto ng diskurso.  Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang taong kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat na pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito.

Konteksto ng diskurso:
  1. interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa
  2. panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad ng isang klase
  3. pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad ng isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado
  4. pangmasa – sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya
  5. interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat
  6. pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulad ng usapang lalake
 Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:
  1. paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambbabae o panlalake
  2. layunin – bawat diskurso ay nagaganapdahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot, dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba pa
  3. pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap ng kinakausap.
  4. tagatanggap– ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na may iba’t ibang takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.
 KOMUNIKASYON
  • ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
  • Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
  • Proseso ng pagpapadala at pagtanggap nag mga mensahe

Mga Uri
  1. Komunikasyong Intrapersonal – tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
  2. Komunikasyong interpersonal – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
  3. Komunikasyong pampubliko – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.
Proseso
  1. Nagpapadala ng Mensahe -tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Sila ang nag-eenkowd ng mensahe.
  2. Ang Mensahe
      • Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika
      • Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal
  3. Daluyan/Tsanel ng Mensahe
      • Dalawang kategorya
        1. Daluyang Sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama
        2. Daluyang institusyunal –pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama, mga kagamitang elektroniko
  4. Tagatanggap ng mensahe
      • Nagbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Siya ang nag dedekowd.
5. Ang Tugon o Pidbak – ang kumokontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
  • Tuwirang Tugon
  • Di-tuwirang tugon
  • Naantalang Tugon
6. Mga Potensyal na Sagabal sa komunikasyon – ang mga bagay-bagay na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon. Matatagpuan sa tagapagdala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng mensahe o di kaya’y sa tagatanggap nito.
  1. Semantikong Sagabal – matatagpuan sa salita o pangugusap mismo
  2. Pisikal na Sagabal – mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning taknikal na kaugnay ng sound system
  3. Pisyolohikal na Sagabal – mga matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa panigin, pandinig, o pagsasalita.
  4. Sikolohikal na Sagabal – pagkakaiba-iba ng mga kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe

Mga Uri ng Diskurso
1.     Paglalarawan
Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at hayop.Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang pagiging malikhain.

2.     Pagsasalaysay
Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari.Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao.Sa pagsasalaysay,marapat lamang na maisaalang–alang ang pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan.Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o tagapakinig.

3.      Paglalahad
Ito ay diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at dagdag na kaalaman ng ibang tao.Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao na makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang imbentor,pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at marami pang iba.

Pamamaraan  ng  Epektibong  Paglalahad
·         Pagbibigay ng  kahulugan
·         Pag-iisa-isa
·         Pagsusunod-sunod
          Tatlong  Uri  ng Pagsusunod-sunod
·         Sikwensyal na Pagkakasunod-sunod
·         Kronolohikal
·         Prosidyural

4.     Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento.Kailangan ang mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos ang kaisipan upang magamit sa pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang kanyang argumento.
  Halimbawa:

-Pagtatalo o debate